Nag-utos ang Tanggapan ng Ombudsman ng anim na buwang suspensyon nang walang suweldo kay Catanduanes Vice Governor Robert Fernandez at 11 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan dahil sa mga paratang ng maling paggamit ng pondo para sa sakuna at iba pang iregularidad matapos ang pananalasa ng Super Typhoon “Uwan” noong nakaraang taon.
CATANDUANES — Agad na ipinatupad ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension laban kay Catanduanes Vice Governor Robert Fernandez at labing-isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa paggamit at alokasyon ng pondo para sa disaster response matapos ang pananalasa ng Super Typhoon “Uwan” noong 2025.
Sa inilabas na press release nitong Mayo 29, 2026, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may sapat na basehan upang suspendihin nang walang suweldo si Vice Governor Robert Fernandez at ang 11 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa loob ng anim na buwan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.
- LGU Palompon Nilinaw ang Isyu ng “Skin Tax” at Kalagayan ng Comfort Rooms sa Kalanggaman Island
- Ilang Atleta ng Eastern Visayas sa Palarong Pambansa, Nakaranas ng Pananakit ng Tiyan
- 2 Foreigners Arrested in Cavite, Tarlac for Child Exploitation; Japanese, American Fugitives Held for Deportation
- Bureau of Immigration Ready to Enforce Hold Departure Order vs. Rodante Marcoleta, 3 Others; No Recent Travel Recorded
- Sara Duterte: ICC Warrant Has No Legal Force in PH; Slams Misunderstanding of Sovereignty Amid Calls for Bato Dela Rosa’s Surrender
- Justice on Trial: The World Watches Rodrigo Duterte’s Day Before the ICC
- Minority Walkout sa Senado, Pinuna ni Sen. Raffy Tulfo ang Umano’y Minamadaling Rule Change
Batay sa kautusang may petsang Mayo 22, nag-ugat ang suspensyon sa reklamong inihain ni Catanduanes Governor Patrick Alain Azanza hinggil sa umano’y maling paggamit ng P30.5 milyong Quick Response Fund o QRF ng lalawigan kasunod ng pananalasa ng bagyo noong Nobyembre 2025.
Ayon sa reklamo, binago umano ng mga respondent, na noon ay kumikilos bilang Sangguniang Panlalawigan, ang orihinal na panukala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC hinggil sa paggamit ng pondo. Sa halip umano na gamitin para sa agarang pagbibigay ng relief goods at iba pang emergency response measures, inilipat umano ng SP ang mahigit P26 milyon upang gawing cash assistance.
Iginiit ni Governor Azanza na taliwas umano ito sa umiiral na DBM-DILG-NDRRMC Joint Circular 2013-1 kung saan hindi kabilang ang direktang cash assistance sa mga pinahihintulutang immediate response activities para sa paggamit ng Quick Response Fund.
Ayon pa sa gobernador, nagdulot umano ng matinding pagkaantala sa distribusyon ng ayuda at implementasyon ng disaster response programs ang naging hakbang ng mga respondent. Dahil dito, naapektuhan umano ang mahigit 39,000 pamilyang nasalanta ng Super Typhoon “Uwan” na nangangailangan ng agarang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan.
Bukod sa usapin ng QRF, kabilang din sa inihain ni Azanza na reklamo ang umano’y pagpapaliban ng Sangguniang Panlalawigan sa kahilingan ng provincial government na makapasok sa Memorandum of Agreement kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD para sa pagbibigay ng construction materials sa mga biktima ng bagyo.
Inireklamo rin umano ang umano’y pagkaantala sa pagpasa ng budget appropriations para sa fiscal year 2026, bagay na nakaapekto sa operasyon at implementasyon ng mga programa ng lalawigan. Kabilang din sa isyu ang inilabas na resolusyon noong Enero kung saan idineklara ng SP si Governor Azanza bilang Persona Non Grata sa lalawigan.
Bukod kay Fernandez, kabilang sa mga suspendidong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sina Josevan Balidoy, Giovanni Balmadrid, Jose Romeo Francisco, Alvin Rodriguez, Edwin Tanael, Lorenzo Templonuevo Jr., Arnel Turado, Dean Roberto Vergara, Tito Villamor, Santos Zafe, at Rafael Zuniega.
Sa inilabas na kautusan ng Ombudsman, nakasaad na may “strong evidence showing their guilt” kaugnay ng mga reklamong grave misconduct, grave abuse of authority, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Ipinaliwanag din sa order na kinakailangan ang preventive suspension upang hindi umano maapektuhan ang nagpapatuloy na imbestigasyon. Ayon pa sa Ombudsman, mahalagang mapreserba ang mga dokumento at ebidensiyang maaaring hawak o kontrolado ng mga respondent habang dinidinig ang kaso.
Dagdag pa rito, layunin din umano ng suspensyon na maiwasan ang posibleng pagpapatuloy ng umano’y malfeasance o misfeasance sa kanilang mga tungkulin bilang mga opisyal ng pamahalaan.
Sa ilalim ng kautusan, mananatiling suspendido nang walang suweldo ang mga respondent sa loob ng anim na buwan o hanggang sa tuluyang maresolba ang administrative case laban sa kanila.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang kampo ng mga suspendidong opisyal kaugnay sa naging desisyon ng Ombudsman. – aptikons
- New DepEd School Calendar for 2026–2027 Features 3 Terms, Wellness Breaks, and Streamlined Learning
- Ombudsman Sinuspinde ang Vice Governor ng Catanduanes at 11 Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan
- LGU Palompon Nilinaw ang Isyu ng “Skin Tax” at Kalagayan ng Comfort Rooms sa Kalanggaman Island
- Ilang Atleta ng Eastern Visayas sa Palarong Pambansa, Nakaranas ng Pananakit ng Tiyan
- 2 Foreigners Arrested in Cavite, Tarlac for Child Exploitation; Japanese, American Fugitives Held for Deportation