Na sa rekord na ₱19.66 trilyon ang pambansang utang ng Pilipinas noong Setyembre 2026, mula sa ₱12.79 trilyong minana ng administrasyong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022, katumbas ng pagtaas na humigit-kumulang ₱6.87 trilyon sa loob ng mahigit apat na taon.
MANILA, PILIPINAS — Umabot na sa panibagong rekord na ₱19.66 trilyon ang kabuuang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nitong pagtatapos ng Setyembre 2026, katumbas ng humigit-kumulang ₱170,532 para sa bawat Pilipino batay sa inaasahang populasyon ng bansa, ayon sa pinakahuling datos ng Bureau of the Treasury (BTr).
Batay sa ulat na inilabas ng BTr, nadagdagan ng ₱53.47 bilyon ang outstanding debt ng pambansang pamahalaan noong Setyembre, mula sa ₱19.61 trilyong naitala noong Agosto 2026. Katumbas ito ng pagtaas na 0.27 porsiyento sa loob lamang ng isang buwan.
| Panahon | Kabuuang utang |
|---|---|
| 2022 – PRD Minana ni Marcos Jr. | ₱12.79 trilyon |
| 2023 – PBBM Katapusan ng taon | ₱14.6 trilyon |
| 2024 – PBBM Katapusan ng taon | ₱16.1 trilyon |
| 2025 – PBBM Katapusan ng taon | ₱17.71 trilyon |
| Setyembre 2026 PBBM | ₱19.66 trilyon |
Sources: DOF, BSP at Bureau of the Treasury. Ang mga halaga ay rounded. Department of Finance
Sa kabuuang pagkakautang, nasa ₱13.25 trilyon o 67.39 porsiyento ang utang ng pamahalaan sa mga lokal na nagpapautang, habang ₱6.41 trilyon o 32.61 porsiyento naman ang nagmula sa mga dayuhang nagpapautang.
SA IBANG BALITA:
- Utang ng Pilipinas, Umabot sa Record na ₱19.66 Trilyon; Katumbas ng ₱170,532 Bawat Pilipino
- ₱50-Milyong Pabuya kay Bato Dela Rosa, Manhunt ng PNP at Panawagan sa Mapayapang Pagsuko
- Abogado ni Bato Dela Rosa: Walang Interpol Red Notice Laban sa Senador
- Over 230,000 Fake Recruitment Posts Removed by Meta, TikTok Since 2022
- Every 40 Seconds, a Life Lost: The Quiet Crisis Behind the Philippines’ Suicide Numbers
- NBI, Iniimbestigahan ang 60 Indibidwal sa Pamamaril sa San Jose NHS
Kung paghahatian ang kabuuang utang na ₱19.66 trilyon sa tinatayang 115.29 milyong populasyon ng Pilipinas ngayong 2026, batay sa population projection ng Philippine Statistics Authority (PSA), katumbas ito ng humigit-kumulang ₱170,532 para sa bawat Pilipino, kabilang ang mga bata.
Gayunman, ilustrasyon lamang ang halagang ito upang maipakita ang laki ng pambansang utang at hindi nangangahulugang may personal na obligasyong magbayad ng naturang halaga ang bawat mamamayan.
Ayon sa Bureau of the Treasury, kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng utang ang karagdagang pangungutang ng pamahalaan at paghina ng halaga ng piso kontra dolyar, na nagpapalaki sa katumbas na halaga sa piso ng mga obligasyong nakadenomina sa dayuhang pera.
Sa partikular, nadagdagan ng ₱40.12 bilyon ang halaga sa piso ng mga foreign currency-denominated debt dahil sa depreciation ng piso laban sa dolyar. Nadagdagan din ito ng ₱9.27 bilyon mula sa net availment ng mga panlabas na pautang.
Samantala, mas mataas ng 12.63 porsiyento ang kabuuang utang ng pambansang pamahalaan kumpara sa ₱17.46 trilyong naitala noong Setyembre 2025.
Ang patuloy na paglaki ng pambansang utang ay nananatiling mahalagang usapin sa pananalapi ng bansa, partikular sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang mga gastusin, bayaran ang mga obligasyon nito at mapanatili ang sapat na pondo para sa mga serbisyong pampubliko tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at iba pang pangunahing pangangailangan ng mamamayan.


